Nilikha upang
ipagmalaki sa buong mundo ang galing ng mamamayang Obando. Naglalaman ng mga
balitang patas at may kabuluhan. Nagpapahayag din ng mga napapanahon at
malalaking isyu't usapin. Naglilinaw, nambabatikos pero responsible ang
pamamaraan at may katototohanan. Ito ay independent at hindi funded ng kung
sinomang nakapuwesto o nag-aambisyong maupong pulitiko. Malaya ito at higit sa
lahat may pangasiwaang may paninindigan at takot sa Diyos
ITANONG
MO SA MGA BATA CONCERT NOONG SABADO, MUNTIK NANG DI
NATULOY
Talento ng
kabataang Obandenyo, ipinamalas! Ito ang konsyertong
kinatakutan kaya't hindi pinayagan
sa patio.
Noong September
10, muntik nang hindi matuloy ang konsyertong "Itanong
Mo Sa Mga Bata" na naglalayong itanyag ang husay at
talento ng mga kabataang Obandenyo na direktang
maaapektuhan kapag itinuloy ng pamahalaang bayan ng
Obando ang negosyong basurahan ng Ecoshield Development
Corporation sa ilog ng Brgy. Salambao.
Ayaw kasing
pahintulutan ng mga pulis Obando na matuloy ang
konsyerto dahil wala raw itong karampatang permit mula
sa munispyo. Paliwanag naman ng mga organizer, private
lot ang pagdadausan at itoy isang church project. Ang
mga pulis Obando naman, iginiit na kailangan pa rin daw
ang permit at kung itutuloy pa rin ay kukumpiskahin daw
nito ang sound system.
At upang hindi na
lamang magkaroon ng kaguluhan, nagpasya ang mga
organizer sa pahintulot nina Rev. Fr. Abel Sampana at
Rev. Fr. Vince Hizon na sa loob ng simbahan na lamang
gawin ang konsyerto.
Matagumpay naman
itong naidaos at dinaluhan ng mga Obandenyo. Napanood
din ito ng live sa pamamagitan ng live streaming.
Sec.
Acosta at Sec. Paje:
BASURAHAN SA ILOG NG NAVOTAS, ILLEGAL. PAGTATAYO NG
BASURAHAN SA ILOG NG OBANDO, IPASUSURI!
Navotas Sanitary
Landfill
A portion of the
44.4 hectares Obando Sanitary Landfill
2008 nang ilahad ng Reporter's
Notebook ang problema sa Irisan dumpsite sa Baguio City.
Sa patuloy na operasyon nito, tila laging nakaamba ang
trahedya. Hanggang maganap ang kinatatakutan nitong
Agosto 27. Gumuho ang dumpsite at kumitil sa buhay ng
anim na tao. 2003 nang ipagbawal ang operasyon ng open
at controlled dumpsites. Sa halip, sanitary landfill ang
pinayagan bilang sagot sa problema. Pero maging ang ilan
sa mga ito, hindi rin daw sumusunod sa batas.
Masosolusyunan pa ba ang gabundok na problema sa basura?
Sa ulat ni Jiggy Manicad, natalakay dito ang ukol sa
Navotas Landfill na hindi pala dapat
napayagan ang pagkakatayo noong 2003. Ayon mismo
kay Sec. Nereus Acosta, Presidential Adviser for
Environment Protection, hindi raw
ito nakasunod sa itinatakda ng batas kung kaya't illegal
ang sanitary landfill
ng Phileco.
Nabanggit din sa nasabing report ang itatayong basurahan
sa ilog ng Brgy. Salambao, Obando, Bulacan na isa rin
daw kinakitaan ng paglabag
kung kaya't ipasusuri ang proyektong ito.
MASS AT PRAYER RALLY LABAN SA
BASURA, MULING ISINAGAWA
Fertility dance, itinanghal sa
misa
Aug 29 prayer rally
Sa mismong araw ng mga bayani (Agosto
29) ay muling nagsagawa ng mass at prayer rally ang mga
Obandenyo laban sa proyekto ng Ecoshield Corporation na
basurahan sa kailugan ng Salambao.
Espesyal ang isinagawang misa dahil
dinaluhan ito ng mga bisitang nagbigay inspirasyon sa
mga mamamayan ng Obando na ipagpatuloy ang paglaban sa
basurahan. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga karanasan
nang magkaroon din ng pagkilos kontra-basura sa kanilang
lugar.
Nagkaroon din ng pagtatanghal sa
pinagmamalaking fertility dance ng Obando. Ito naman ay
sinabayan ng mga nakiisa sa misa. Sinisimbulo nito ang
mayamang kultura at kasaysayan ng bayan na ngayon ay
nanganganib na maibaon sa tambak ng basura.
BANAL NA PAGKILOS
KONTRA-LANDFILL
NOONG AGOSTO 19, TAGUMPAY!
Noong ika-19 ng
Agosto, muling nagsagawa ng isang banal na pagkilos ang
mga
Obandenyong tutol na gawing basurahan ng Metro Manila at
karatig lalawigan ang ilog Salambao.
Ang pagkilos na ito ay sinimulan ng banal na misa
bandang alas-siyete ng umaga at
nasundan ng pagprusisyon mula Pag-asa na umikot ng
palengke sa Paliwas hanggang
Catanghalan.
Nang mapadaan ang mga Obandenyo sa harap ng munisipyo,
hindi napigilan ng ilan na
iparinig ang kanilang pagtutol sa proyektong isinusulong
ng pamahalaang lokal. Ang ilan sa mga sasakyan, nakiisa
naman sa pagbusina.
Nakatutuwang malaman na halos lahat ng mga taong
nakasaksi at nadaanan ng prusisyon ay nagpapahayag ng
mainit na pagsuporta sa gawaing ito. Patunay lang na ang
majority ng mga Obandenyo ay ayaw sa basurahang itatayo
ng Ecoshield Corporation sa 44.4 hectares na ilog ng
Obando.
Nagtapos ang programa sa isang panalangin na inusal ni
Rev. Fr. Abel Sampana, ang bagong parish priest ng
parokya. Nagpalipad din ng mga lobo na simbulo ng
pagpahahatid sa Kalangitan ng kahilingang hindi na
matuloy ang basurahan sa kailugan.
Asahan pa raw ang marami pang makatao, makakalikasan,
makakalusugan, maka-Obando
at higit sa lahat... maka-Diyos na pagkilos kontra-landfill.
MGA TUMUTUTOL SA LANDFILL,
PATULOY NA GINAGAWAN NG BLACK PROPAGANDA AT
PINAGBABANTAAN ANG BUHAY
Photo courtesy: Mark Louie
Gonzales
Death threat sa
text at mga tawag sa telepono, pagpapakalat ng mga
kasinungalingan at mapanirang kalatas, harassment at
intimidation, ilan lamang sa mga dinaranas ngayon ng mga
lantarang tumututolna maging basurahan ng Metro Manila at karatig
lalawigan ang ilog ng Salambao sa Obando, Bulacan.
Simula nang malantad sa publiko ang kontrobersyal
na proyektong ito, umani ito ng matinding pagtutol sa
halos lahat ng Obandenyo sa buong mundo.
Salamat kina
Rev. Father Edgardo de Jesus, Rev. Father Jeffrey Zuniga
at iba pang mga pari at alagad ng simbahan na nagmulat
sa bayan ng Obando ukol sa baho at perwisyong idudulot
ng landfill na pinipilit ng pamahalaang bayan na maitayo
sa ilog ng Brgy. Salambao.
Dahil dito, may mga kababayan tayong naglakas loob na
lumantad para tutulan ang proyektong ito na ang naging
resulta ay walang habas na paninirang-puri na dinadaan
sa pagpapakalat ng mga hindi makatotohanang kalatas, at
pagbabanta na sila at ang kanilang pamilya’y papatayin
kung hindi titigil sa pagkontra sa landfill.
Kaugnay ng mga
death threat na natatanggap ng mga tumututol sa Obando
landfill, ang kababayan nating si Rey Palacio ng Eco
Waste Coalition ay nakatanggap din noong August 17 ng
mga pagbabanta hindi lamang sa kanyang buhay, kundi pati
na rin sa buhay ng kanyang asawa at sampung taong gulang
na anak. Agad namang pinagbigay-alam ni G. Palacio ang
bagay na ito sa kapulisan.
Para sa kumpletong detalye, basahin ang press release na
natanggap ng obandenyo.com mula sa Eco Waste Coalition.
BANAL NA PAGKILOS LABAN SA
LANDFILL, SIMULA PA LANG NG MARAMI PANG PAGTITIPON
Photo courtesy: Mark Louie
Gonzales
Isang banal na pagkilos ang isinagawa
noong August 4 sa pangunguna ng simbahang Katoliko at
mga mamamayan ng Obando laban sa di umanoy palihim at
mabilis na pagkakaapruba ng pamahalaang bayan at
panglalawigan sa negosyong basurahan na itatayo ng
Ecoshield Corporation sa ilog ng Brgy. Salambao.
Ang nasabing gawain ay sinimulan sa isang misa, sinundan
ng prusisyon at nagtapos sa prayer vigil.
Nakatutuwang pagmasdan ang dami ng nakiisa sa nasabing
gawain sa kabila nang mabilisang paanyaya at ito'y
ginanap pa sa araw na may pasok sa trabaho at eskuwela
ang karamihan ng mga taga-Obando.
Himala ring maituturing ang magandang panahon na
ipinagkaloob ng Maykapal sa gawaing ito sa kabila nang
walang patid na pag-ulan sa mga nakaraang araw.
Marami pang pagtitipon na tulad nito ang nakatakdang
isakatapuran para lubos na maipaabot sa mga kinauukulan
ang tunay na damdamin ng higit na nakararaming Obandenyo
tungkol sa proyektong gawing basurahan ng Metro Manila
at ibang lalawigan ang ilog ng Obando.
MAPANIRANG KALATAS LABAN SA
MGA TUMUTUTOL SA LANDFILL, PINALALAGANAP
Ipinapalaganap ngayon ng mga
nagpapakilalang "Obandenyo For Progress Movement" ang
mga mapanirang kalatas laban kina dating punong bayan
Conrado Lumabas Jr., Gng. Tess Bondoc at Dr. Willy de
Ocampo na di umanoy may pakikipagsabwatan sila sa
namamahala ng Navotas Sanitary Landfill.
Mariing pinasinungalingan naman ito nina Lumabas, Bondoc
at de Ocampo. Ayon sa kanila, ang mga paninira ay
resulta ng kanilang pagtutol sa itatayong basurahan sa
ilog ng Salambao. Ito raw ay may mga batas na nalabag at makasasama sa
kabuhayan, kalusugan at kalikasan.
Sa katanuyan noong August 4, habang
nagsasagawa ng banal at mapayapang pagkilos ang mga
mamamayan ng Obando laban sa landfill ay nagawa itong
samantalahin ng mga taong inupahan para magpakalat ng
mga mapanirang kalatas. Habang pabalik ang prusisyon sa
simbahan mula Brgy. San Pascual ay sinabayan ito ng
pamimigay ng mga mapanirang pulyetos ng nasabing grupo.
Sa pagmamalasakit ng taong bayan, isa rito ay nadala sa
presinto at na-blotter, samantalang ang mga kasama nya
ay agad nakasakay sa nagmamadaling umalis na Toyota
Hilux pick up.
Umamin din ang nahuling nagkakalat na
siya'y nakatira sa Parañaque at pinangakuang babayaran
ng tatlong daang piso para magkalat ng mga mapanirang
pulyetos sa Obando.
Sadyang kinubli ang
pagkakakilanlan sa taong nahuling nagkakalat ng
mapanirang
kalatas para maproteksyunan ang kanyang karapatan.
Gayundin sa plate number ng
ginamit
na Toyota Hilux pick-up para maproteksyunan naman ang
karapatan ng may-ari nito.
Samantala, ipinaabot ni dating punong bayan Conrado
Lumabas Jr. ang kanyang tugon ukol sa mapanirang kalatas
na ipinapakalat ng grupong nagpapakilala lamang sa tawag
na "Obandenyo For Progress Movement".
VIDEO NG PALAISDAAN NA
TATAYUAN
NG SANITARY LANDFILL SA OBANDO, MAPAPANOOD NA
Sa video na ito, makikitang lagom na
palaisdaan sa ilog ng barangay Salambao ang lugar na
pagtatayuan ng sanitary landfill sa Obando. Nangangamba
ang mga residente na maaaring magdulot ito ng sari-saring
suliranin hindi lang sa kalikasan pero higit ay sa
kalusugan.
Aprubado ng Sangguniang Bayan ng
Obando ang ordinansa na nagpapahintulot sa Ecoshield
Corporation na magtayo ng sanitary landfill sa 44.4
hectares na palaisdaan sa ilog ng Salambao. Ang nasabing
kapasyahan ay napirmahan na ni Gov. Willy Sy-Alvarado
noong June 22, isang araw matapos di umanoy mangako ito
sa ipinatawag niyang pulong sa ilang taga-Obando na
muling pag-aaralan ang nasabing landfill at personal na
bibisitahin ang Brgy. Salambao .
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES NG GMA NEWS TV IPINAKITA ANG PROBLEMA AT
MASAMANG EPEKTO NG LANDFILL; OBANDO, INIHALIMBAWA
Noong July 14, ipinakita ng
programang Investigative Documentaries (GNTV) ang mga
problema at masamang epekto ng mga dumpsite sa bansa.
Kabilang sa inihalimbawa ay ang open dumpsite sa Brgy.
Tarcan, Baliuag, Bulacan na ayon sa mga nagrereklamong
residente, sila'y nalinlang matapos silang papirmahin ng
attendance pero pagsang-ayon pala iyon sa pagtatayo ng
basurahan. May isang residente na namatayan ng anak
dahil sa pag-inom nito ng kontaminadong tubig.
Inirereklamo naman ng isang ginang
doon ang mabahong amoy ng dumpsite at malangis na tubig
mula sa poso. Nagsisisi sila sa habambuhay na epekto ng
dumpsite at ngayo'y nilalabanan nila ang patuloy na pag-ooperate
nito.
Pinangangambahan naman ng mga taga-Obando
na maaaring danasin din ng bayan ang polusyon at
perwisyong idinulot ng basurahan sa Baliuag kung
itutuloy ang proyektong sanitary landfill sa ilog ng
Brgy. Salambao. Palaisdaan din kasi ang dumpsite sa
Baliuag.
BAGYONG FALCON, NILUBOG SA
BAHA
ANG HALOS BUONG OBANDO
Dahil sa tindi ng ulan na binuhos ng
bagyong Falcon ay muli na namang nalubog sa baha ang
halos buong Obando.
Simula pa lang noong Lunes (June 19)
ay lumaki na ang tubig dahil sa magkakasunod na bagyo
pero nagsimula ang matinding pagtaas ng
tubig nitong Huwebes ng umulan nang halos walang patid na nagtuloy-tuloy hanggang Sabado.
Noong ika-13 ng Hunyo, dumalo ang
obandenyo.com at si Gng. Tess Bondoc sa pangkaraniwang
pulong ng Sangguniang Bayan ng Obando sa munisipyo. Ang
nasabing paanyaya ay sa kahilingan ni Kgg. na konsehal
Dhey Alejo at ito base sa kanyang privilege speech sa
nakaraan nilang pagpupulong.
Ayon kay konsehal Alejo, lumikha ng hindi magandang
impresyon ang laging pagbanggit sa mga pangalan ng ilang
miyembro ng sanggunian bayan tuwing may public forum na
isinasagawa ang grupo ng mga laban sa sanitary landfill.
"Trial by publicity" di umano ito lalo pa't ang ilan sa
mga nasabing forum ay nakunan at na-upload sa website na
ito.
Panoorin ang nasabing proceeding na sinikap pa ring
makunan ng obandenyo.com at basahin ang posisyon ng
website na ito ukol sa nasabing pagpapatawag.
INFORMATION CAMPAIGN LABAN SA ITATAYONG 44
HECTARES SANITARY LANDFILL SA OBANDO, BULACAN
Patuloy ang serye ng
pagpapaliwanag tungkol sa perwisyong idudulot ng
Sanitary Landfill sa bayan ng Obando, Bulacan. Ang
kontrobersyal na proyektong ito ay ipinasa ng
Sangguniang Bayan ng Obando noong Enero 24, 2011.
Kasalukuyang nasa Sangguniang Panlalawigan na ang
naturang kapasyahan para sa kanilang pag-aaral.
Ang forum na nasa video ay kuha noong May 20, 2011 sa
Catanghalan gamit ay webcam lamang, subalit malinaw
ninyong maririnig ang audio. Pinangunahan ni Gng. Teresa
Bondoc ang pagpapaliwanag at sinundan naman ni G. Gian
Mariano ng Center for Environment and Development Study.
Panoorin ang nasabing forum:
Click play button to watch video.
ECOWASTE COALITION ASKS DENR TO STOP
PLANNED OBANDO LANDFILL OFF MANILA BAY
A waste and pollution watchdog urged Environment
Secretary Ramon Paje to stop at once the proposed
construction of a landfill facility in Obando, Bulacan
off Manila Bay.
The EcoWaste Coalition made the call after participating
in the "No to Landfill" forum last Thursday in Obando
that brought together over 200 individuals from various
sectors and groups of the municipality.
“We are aghast to learn that the Obando municipal
government has allowed the construction of a
privately-owned landfill in the fishing village of
Salambao in Manila Bay. It’s a pollution time bomb in
the making to be erected right where fishing communities
get their livelihood and sustenance,” said Christina
Vergara, Zero Waste Project Coordinator of the EcoWaste
Coalition.
Municipal Resolution Number 102 adopted on January 24,
2011 and subsequently ratified on January 31, 2011
authorizes the Eco Shield Development Corporation to
establish a 44-hectare landfill in Barangay Salambao,
Obando. Read the full
article
Ang obandenyo.com ay hindi tumatanggap at tatanggap kailanman
ng kabayaran o pabuya sa pagsusulat at paghahatid ng impormasyon
para sa bayan ng Obando.
Ang website na ito ay pinondohan at mine-maintain sa sariling
gastos ng aming samahan.
Hindi rin kami kailanman manghihingi ng pabor at wala kaming
inaasahang pabuya mula sa kaninomang opisyal, kandidato at
negosyante.
Sinoman ang gumagamit sa pangalan ng obandenyo.com na ang pakay
ay makalamang at magkamit ng salapi ay ipagbigay alam po sa amin.
_______________________________
CALENDAR OF EVENTS
SEPTEMBER 10 - "Itanong
Mo Sa Mga Bata", libreng konsyerto laban sa basurahang itatayong
basurahan sa ilog ng Salambao, Obando, Bulacan.
6pm, sa patio ng parokya ng San Pascual Baylon, Brgy. Pag-asa.
JULY 25 - SEPT 15 - Sining Obando presents
"GATAW" (Fishkill), ito ay solo exhibit ni Rolly Alcantara sa Palau
Sizzling Republic Grill, Pag-asa, Obando, Bulacan. Una ito sa serye
ng mga exhibition ng nasabing art group upang ipamalas ang galing sa
sining ng mga Obandenyo.
_____________________________
Para sa inyong pakikipag-ugnayan E-mail:ask@obandenyo.com